Ang Kakaibang Reviewer Ko sa EEE 1 (para sa mga mag-eexam this friday!)
Posted by: rebirth-of-helene in UncategorizedWritten this morning after 100 pages of electronics readings. XD
“I shall retain in the conviction that in games of chance, if one has perfect control of one’s will — one cannot fail to overcome the brutality of chance. Have a will to win”
-Fyodor Dostoevsky, The Gambler (thanks pearl for the SMS)
ANG TAO AY PARANG CIRCUIT.
Habang nagbabasa ako sa para sa aking higanteng pagsusulit (yehessssss, piliting magtagalog o diba diba diba?) sa Biyernes, bigla ko lang itong naisip. Napahinto ako sa pag-aaral ko, sa pagmamasid sa mga ‘circuit diagrams’ sa makulay na aklat na hiniram ko sa bagong aklatan ng inhinyero. (shet tama ba tagalog ko dun???!?!?)
Bawat isang tao ay may kuryente ng buhay na dumadaloy. Pwede kang maging closed circuit or open circuit. Kadalasan sarado ka naman e; bubuksan mo lang kapag may gusto kang paglipatan ng lakas ng loob o kung gusto mo ng bagong mga elemento na dumaloy sayo.
Syempre walang kuryente kung wala kang SOURCE or pagmumulan. Dalawang klase lang naman din yun: dependent at independent. Ang independent source ay yung medyo maaasahan mo na hindi magbabago at hindi magmamaliw ang pag-apaw sa linya ng buhay mo. And mga dependent sources naman ay yung mga nakakabit din sa higit na malaking daluyan. Kung anuman yun, ikaw na mag-isip. haha.
Ang tao ay parang circuit, maniwala ka!!! Kahit isa kang palasimbang nilalang na humuhugot ng kuryente sa DIyos (independent) o isa kang Japayuking kumukuha ng sustento (nutrients pwede rin haha) sa mga guests mo (ummm, sandamakmak na dependent sourcessss) o isang nagtatrabahong mag-aaral ng unibersidad na nagdadasal at naghihintay ng back pay (independent at dependent sources)… Lahat tayo, kahit ano pa ang katayuan sa buhay, ay humahanap ng paghuhugutan ng daloy.
Ang pinakaimportanteng dapat ayusin para masiguradong gumagana ang circuit ay ang tamang pagkakakabit-kabit ng mga bahagi nito. Pwede kasing mag-OVERLOAD ka pag sumobra ang daloy sa isang bahagi samantalang salat na salat naman ang iba.
Masaklap pa, baka SUMABOG ang circuit. Kaya nga paminsan-minsan, we KILL THE SOURCES, o binubuksan natin ang ilang bahagi ng circuit sa pamamagitan ng pagbukas ng switch para masigurong may balanse sa lahat ng bahagi.
May panukat sa lahat ng klase ng elemento ng kuryente ng buhay. VOLTMETER para sa sukat ng pressure sa pagdaloy (motivation, peer pressure, moral pressures, societal stigma etc) at AMMETER naman para sa sukat ng kuryente (the verve of life, passion, will and emotion).
Kapag hindi ka na sigurado sa ginagawa mo, maganda magsukat. Tapos para maiwasan ang PARALLAX READING ERROR, ipa-double check mo sa lab instructor mo. Or sa cute mong katabi– assuming na alam niya ang ginagawa niya sa circuit niya. Baka lang nga, masira ka din niya kung mas siraulo siya sayo, so ingat lang sa pagpapadouble check ng iyong circuit.
Ang disenyo ng circuit ay depende sa diskarteng indibidwal. Pwede mong gawing komplikado na mukhang buhol buhol at pulpol ang lipat ng enerhiya. Pwede puro SERIES lang para pantay ang kuryente o passion sa lahat ng aspeto. Pwedeng PARALLEL lang para iisa lang ang dami ng VOLTAGE na dumadaan sa mga wires. Pero madalas, kombinasyon ng SERIES-PARALLEL ang ginagawa, kasi hindi naman simple ang buhay eh.
Walang silbi ang kuryente mo kung wala siyang lugar na pagdadaluyan. Maiiwan lang ang electron sa source kung hindi mo siya itutulak sa iba’t ibang direksyon. Ang WIRE mo ang nagdidikta ng bilis at dami ng daloy. May kanya-kanyang tayong paboritong wire (Ako, kahit engineering ako, pagsusulat talaga ang wire ko, sa tingin ko…)
Sa ngayon, dapat buo na ang loob mo at payag ka na tunay ngang parang CIRCUIT ang tao.
At dahil tao ako, mayroon din akong circuit na binubutingting sa ngayon. Kukuwentuhan na lang kita…
Ininspeksyon ko ang circuit ko. Ang dami kong SOURCES, panalo! Tapos ang shiny-shiny pa ng WIRE na gamit ko. Nalaman ko rin kung nasaan ang mga nodes at junctions ng buhay ko–kung saan dumadaloy ang kuryente sa isang ordinaryong araw.
Pero… something’s wrong. May kulang yata… at sila ang…
RESISTANCE. RESISTORS. CIRCUIT BREAKERS. FUSE BOX.
Kahit ang TV, ilaw, radyo at bentilador namin sa bahay ay mayroon niyan. Pigil. Oposisyon sa kuryente. Para hindi siya kumarga ng kuryente na hindi niya kayang panindigan. Para hindi siya masira.
Feeling ko kasi, kakayanin ko. Whatdapakisdamatterwidme.
Ako kasi pala yung tipo ng circuit na gustong gusto ang kuryente. Gusto na ramdam na ramdam niya yung kuryente sa lahat ng aspeto ng buhay niya. Walang preno, kumbaga.
Kaya pag dumikit na ako sa isa pang circuit at bonggang-bongga ang ELECTRIC CURRENT naming dalawa…. ay, inday, ambot sa mga resistors! I will just let the CURRENT FLOW go everywhere.
Pero… teka *sniffs self* amoy usok na pala. Nag-OOVERHEAT ako!!! Malapit na pala kasing mag-OVERLOAD yung elemento ko kasi nasobrahan na sa kuryente.
Ang PROBLEM kasi, hindi ko mahanap ang tamang METHOD OF CIRCUIT ANALYSIS sa circuit ko ngayon.
Pano naman… hindi ko matantiya kung tatagal ba yung bagong circuit na dumikit sa akin. Hindi ko pa tuloy siya maisali sa mga EQUATIONS ng circuit ko.
Kahit KVL, KCL or Mesh Analysis, hindi ko magawa.
Kasi nga daloy lang siya ng daloy sa puso ko, isang potent pero unnamed quantity.
Wala pa akong tamang resistor para sa kanya, kahit na ang lakas lakas na ng tama niya sa circuit ko.
Isang araw, nag-OPEN CIRCUIT kami. Lumayo siya. Nag-iisip yata. May nakabitan kasi siyang maganda circuit dati tapos… nasunog siya. =( Siguro natatakot siya na pagkalipas ng panahon ay susunugin ko din siya.
At kagaya nga ng isang circuit na biglang nabaklasan ng isang malaking branch, nahirapan na akong dumaloy ulit. Nasanay na kasi sa dami ng kuryenteng dumadaloy mula sa taong hindi sigurado kung tatagal ba sa buhay ko o talagang bisita lang na magtuturo ng kung anumang kelangan kong matutuhan sa circuit analysis ko.
Hindi ko alam, bigla na lang kasi siyang dumating eh. Hindi ko siya napaghandaan.
Marahil, nauubos ang daloy niya; kelangan niyang icharge ang mga sources niya or kelangan lang talaga ayusin ang mga dispalinghadong bahagi ng circuit niya.
Sa circuit ko ngayon, nag-iwan siya ng napakalaking butas. Nakadungaw lang ako sa butas (EMO)… at pinilit kong humanap ng THEVENIN at NORTON EQUIVALENT CIRCUIT niya, pero wala nga pala akong PARAMETERS. Wala akong pinanghahawakan. Kasi hindi naman kami. Hindi ko din alam kung nakikipagbalikan pa yung dating circuit na sumunog sa kanya at kung ano ang feeling niya dun.
Ayun, dinesisyunan ko na lang tuloy ngayon na lagyan ng VARIABLE RESISTORS ang iniwan niyang giant hole sa circuit ko. Para dumaloy lang ulit. Para lang hindi naman mamatayan ng source yung ibang bahagi ng buhay ko.
Naiisip ko rin naman na kung papayagan ng MAIN SOURCE ko (si God yun ha..) na magdaloy ako ng kuryente kasama ang uncertain but special circuit na yun, madali lang naman i-SHORT CIRCUIT ang lahat ng resistors na ginawa ko ko ngayon para makakabit pabalik sa init ng kuryente niya.
Or… kung sadyang gusto talaga ako ng tinatangi kong circuit na yun, isho-short circuit din niya ang mga GIANT RESISTORS ng buhay niya para makadaloy kami sa isa’t isa.
Hindi ko nga lang siya mapipilit na i-SHORT CIRCUIT lahat agad. Kasi baka naman isang milyong resistors pala yung kinabit niya. =(
Kaya sinawsaw ko muna ang sarili ko sa LIQUID COOLANT (umm, malamig na tubig lang kanina nung naligo ako. bwahaha) at… ayan, salpak lang ng salpak ng mga RESISTORS to CLOSE CIRCUIT again.
Maswerte pa naman ako. Madali lang sa akin magtanggal ng resistors kasi konti at variable lang yung nilagay ko. Masaya rin kasi pag wala ka masyadong pigil sa nararamdaman mo. You can really let yourself go and feel the current flowing in every inch of your being.
SInabi ng kaibigan ko na maganda din naman daw yun. Kasi marami akong nakakausap na ang major problema sa circuit analysis ay SUMOBRA sa RESISTORS. Panay ang tago ng puso. Hindi na kayang i-risk na masunog sila.
Baka nga hindi lang resistor ang nasa puso ni special unknown circuit. Baka nga may giant INSULATOR siya sa loob at patay lahat ng kuryente pagdating dun sa spot na yun.
Kung alam mo lang, unkown circuit (at malamang alam mo na nga)… kahit nawiwindang ako ngayon… tingin ko talaga ay pwede tayong gumawa ng pangmatagalang kuryente.
Isa ring dahilan kung bakit nilagyan ko na agad ng resistors ay delikado kasi ang estado ko ngayon. Butas ang circuit. Pwedeng may sumingit na ibang circuit. Hinihintay kita, so dapat wala munang sumingit na ibang circuit networks. Dapat maging sarado muna ako.
Pero eto lang, hindi ko alam kung hanggang kailan nakalagay yung mga resistors na yun. Ayokong sanayin ang sarili ko na napalilibutan ng RESISTORS. Kasi iba pa rin ang UNLIMITED CURRENT e.
Mag-iiwan na lang ako ng maliit ng SWITCH sa pagitan nating dalawa. Kung sakaling mamiss mo ang kuryenteng dinala ko sa buhay mo, alam mo naman kung saan makakakonekta pabalik sa akin. (Everything is fun under the sun, you know)
Anu’t anuman ang mangyari, magiging ayos din ang lahat.
Patuloy ang daloy ko, mahalin mo man ako o hindi…
Pareho naman tayo ng main Source e. Kung ikaw na talaga ang taong para sa akin, tiwala ako na pwede Niya tayong pagtagpuin…
….sa takdang panahon.
Yeah!
God bless sa mga EEE people. LET’S UNO THIS SUBJECT!!!!!
Entries (RSS)