isang linggo.
isang buong linggo hinintay kong tumawag siya sa akin.
sobrang gulong gulo ako na bigla na lang siyang nag-disappear sa buhay ko na parang bula.
alas diyes ng gabi. nasa bahay ako ng pinsan ko na naging CPA. nag-celebrate kami.
at nagvivideoke sila.
may tumawag. hindi ko kilala. landline to cellphone.
tapos kahit anong pilit ko, hindi ko marinig ang nasa kabilang linya.
tangina.
3 days later, ginoogle ko yung landline number at nalaman kong…
siya yun.
ang taong isang linggo kong hinintay ang tawag. ang taong bigla na lang akong iniwan sa ere.
bakit hindi ka tumawag ulet? bakit ganun? bakit hindi mo ako tinetext? bakit bigle ka na lang nawala sa buhay KO? lumapit ka lang ba talaga sa akin para lang iparamdam sa akin yung mga magagandang bagay ng ilang linggo tapos iiwan mo na lang ako bigla. na sobrang ramdam ko yung GAP. yung napakalaking GAP na iniwan mo sa buhay ko.
naiinis ako sayo. natiis mo akong magkaganito.
sana hindi mo na lang pinaramdam sa akin ito.
sana hindi na lang talaga.
i hate FATE.
Entries (RSS)